‘Danger level’ na heat index aasahan pa rin sa Dagupan bukas—PAGASA

‘Danger level’ na heat index aasahan pa rin sa Dagupan bukas—PAGASA

INAASAHANG nasa ‘danger level’ pa rin ang heat index sa Dagupan City sa Miyerkules, March 5, 2025, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa forecast ng state weather bureau, mananatiling 42 degrees Celsius ang heat index sa nabanggit na lugar gaya ng inaasahan nila ngayong araw, Marso 4. Sa antas na ito, maaaring magdulot na ang temperatura ng heat-related illnesses.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas sa matinding init para hindi makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. Ipinaalala rin ang sapat na hydration at pahinga sa lilim o malamig na lugar.

Samantala, ang iba pang lugar na makararanas ng mataas na heat index sa ilalim ng ‘extreme caution level’ sa Metro Manila at karatig na mga probinsya ay ang mga sumusunod:

  • Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City at Sangley Point, Cavite – 40 degrees Celsius
  • Science Garden sa Quezon City at San Ildefonso, Bulacan – 39 degrees Celsius

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble