TULOY ang pagdiriwang ng Deepavali ngayong araw sa kabila ng pagpapatupad ng istriktong Standard Operating Procedures (SOP) sa Malaysia.
Abala ngayon sa mga paghahanda ang mga residente ng Malaysia dahil sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng SOP ay tuloy na tuloy parin ang pagdiriwang ng Deepavali.
Makalipas ang dalawang taon ng tahimik na pagdiriwang dahilan ng pandemya, ngayong araw ay punung puno ng pananabik ang mga mamamayan sa pagdiriwang ng Deepavali.
Sa kahabaan ng Jalan Tun Sambanthan sa little India, Kuala Lumpur ay makikita natin ang nagdagsaan na mga mamimili.
Sa estado naman ng Perak ay dinagsa rin ng mga lokal at dayuhan ang little India sa Jalan Ipoh upang bumili ng damit, pagkain at iba pang dekorasyon .
Maari rin silang bumisita sa kanilang mga kamag-anak sa ibang estado kung sila ay fully vaccinated na.
Samantala, maraming empleyado ang nagpasalamat sa gobyerno sa pagpayag sa pagdiriwang ng Deepavali sa ilalim ng new normal.