NANGUNA si dating DPWH Secretary Mark Villar sa pinakahuling survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) para sa mga tatakbong kandidato sa pagka-senador sa darating na halalan.
Sa isinagawang survey ng RPMD noong Oktubre 17 hanggang 27, nakuha ni Mark Villar ang 53.5 percent na sinundan naman ng radio and TV personality na si Raffy Tulfo na nakakuha ng 53.1 percent.
Batay sa survey na ipinalabas ng RPMD, labing-anim mula sa tatlumpung kandidato ang may tsansang manalo kung saan labindalawa dito ay mga dati o kasalukuyang miyembro ng Kongreso.
Bukod kina Villar at Tulfo, kabilang sa top 12 ng naturang survey ng RPMD ay sina Sorsogon Governor Chiz Escudero, Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Antique Rep. Loren Legarda, dating Vice President Jejomar Binay, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Sherwin Gathalian, Sen. Migz Zubiri, Sen. Risa Hontiveros, dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at Sen. Joel Villanueva.