Dating Sen. Juan Ponce Enrile, inendorso si Deputy Speaker Marcoleta sa pagkasenador sa 2022

Dating Sen. Juan Ponce Enrile, inendorso si Deputy Speaker Marcoleta sa pagkasenador sa 2022

INENDORSO ni dating Senador Juan Ponce-Enrile si Deputy Speaker Rodante Marcoleta para tumakbong senador sa paparating na 2022 general elections.

Sa larawang ipinakita sa kanyang Facebook page, makikita na itinaas ni Enrile ang kamay ni Marcoleta bilang suporta.

Nagpasalamat naman si Marcoleta sa suporta sa kanya ng beteranong pulitiko sa kanya.

“Maraming salamat po, manong Johnny! Gusto ko happy ka!” Saad ni Marcoleta.

Bukod kay Enrile, nauna nang inendorso ng ruling party PDP-Laban si Marcoelta sa pagka-senador.

Katunayan, numero uno ang kongresista sa listahan ni Pangulong Duterte sa pagka-senador sa 2022.

SMNI NEWS