NAARESTO ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lugar ng Bataan ang 7 katao na sangkot sa droga.
Matapos salakayin ng mga operatiba ng PDEA Region 3 ang bahay na kanilang ginagawang drug den ng 7 katao na umano’y sangkot sa kalakaran ng droga.
Nakumpiska ang Php 88,400.00 halaga ng methampetamine hydrochloride o maskilala sa shabu kahapon ng November 09 sa Barangay, Bilolo, Orion town.
Ang pagkakaaresto sa mga sangkot sa droga ay sa pinagsanib na pwersa ng Anti-narcotic PDEA Bataan Provincial Office, Bataan PPO-PPDEU at Orion Police Station.
Ang pito katao ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag ng RA 9165, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at pangsamantala ngayon nasa costody ng jail facility ng PDEA Region 3.
Narekober sa drug operation ang 13 grams ng umanoy shabu na nasa estimated street value o Php 88,400.00; assorted drug paraphernalia; weighing scale; at marked money na ginamit ng poseur buyer.