ISANG panalo na lang ang kailangan ng Creamline Cool Smashers para umabante sa semifinals series.
Ito ay matapos nila ma-sweep ang Chery Tiggo Crossovers sa iskor na 25-10, 27-25 at 25-21.
Tumulong sa panalo ng team si Alyssa Valdez na may 16 points, 13 excellent digs, at nine receptions.
Habang kapwa may double-digit points din sina Tots Carlos, Bea de Leon at Jeanette Panaga. Magaganap din ang kanilang Game 2 sa darating na Sabado.
Follow SMNI News on Rumble