DMW magsasagawa ng Overseas Mega Jobs Fair; 4,000 overseas jobs iaalok

DMW magsasagawa ng Overseas Mega Jobs Fair; 4,000 overseas jobs iaalok

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” magsasagawa ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang Overseas Mega Jobs Fair ngayong Marso 21.

Gaganapin ito sa 3rd Floor ng Robinsons Galleria mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM sa darating na Biyernes.

Mahigit 4,000 overseas job opportunities ang iaalok ng 15 licensed recruitment agencies na makikibahagi sa nasabing job fair.

Ayon sa DMW, kabilang sa mga trabahong inaalok ay ang approved job orders sa sektor ng healthcare, engineering and construction, hospitality, farming, managerial positions, at marami pang iba.

Para sa mga nais lumahok, sundin ang mga sumusunod:

Punan ang kinakailangang impormasyon: pangalan, address, email address, contact number, educational background, karanasan sa trabaho, at preferred job category.

Kumuha ng QR Code o Job fair Pass
Matapos mag-register, makakatanggap ka ng QR code o Job Fair pass sa iyong email o sa portal.

Ipakita ang QR Code sa Registration Booth

Sa araw ng job fair, ipakita ang iyong QR code o Job Fair pass sa Registration Booth sa 3rd Floor ng Robinsons Galleria.

Tandaan: Ang mga jobseeker ay maaaring magtagal sa Job Fair Area sa loob lamang ng 20 minuto para magsumite ng kanilang resume o CV.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble