Malaysian company, mag-iinvest sa Petrobras Espiritu Santo

Malaysian company, mag-iinvest sa Petrobras Espiritu Santo

MAMUMUHUNAN ang Malaysian company na Yinson production sa Estado ng Espiritu Santo sa Brazil para sa isang fuel production kapartner ng state owned company na Petrobras.

Kamakailan lamang ay nagkasundo ang Petrobras at Yinson production para sa isang kontrata na magpoproduce ng langis sa Espiritu Santo, Brazil.

Magbibigay ng FPSO sa Parque Das Baleias integrated project ang Yinson production o floating production, storage and offloading unit para sa langis.

Inaasahang magsisimula ang nasabing produksyon sa huling quarter ng 2024 na may kapasidad na magproseso ng 100,000 barrels ng langis at five million cubic meters ng gas bawat araw.

Aabot sa mahigit 22 taon ang charter at service contracts sa pagitan ng dalawang kumpanya.

Inaasahang ang interconnection ng 17 well deposit, siyam dito ang oil producers at walong water injectors.

Samantala, binubuo ang Parque Das Baleias ng Baleia Anã, Cachalote, Caxaréu, Pirambú, Mangangá , at ng Jubarte oil field –ang unang nadiskubreng oil field noong taong 2001 sa Estado.

SMNI NEWS