Cholera case, natukoy sa Malaysia –Health ministry

Cholera case, natukoy sa Malaysia –Health ministry

NATUKOY sa Malaysia ang isang kaso ng cholera ayon sa Health ministry.

Hinimok ni Health Minister Khairy Jamaluddin ang publiko na maging mapagmatyag matapos matukoy ng Selangor health department ang isang kaso ng cholera sa distrito ng Petalling kamakailan.

Ang cholera ay isang acute enteric disease na sanhi ng vibrio cholerae bacteria.

Kabilang sa mga unang sintomas nito ay ang pagtatae, pagduduwal at pagsusuka na maaring maging sanhi ng dehydration at maging kamatayan.

Pinapayuhan ang mga medical practitioner na magkolekta ng dumi ng pinaghihinalaang kaso at ipagbigay alam agad sa departamento kung may makumpirmang bagong kaso sa bansa.

Ito ay upang maiwasan ang paglabag sa ilalim ng Prevention and Control of Infectious Diseases Act 1988.

Samantala, pinapayuhan ng Ministry of health ng publiko na tiyaking malinis ang kanilang tubig na iniinom at iwasan ang mga hilaw na pagkain upang maiwasan ang cholera disease.

SMNI NEWS