MATAPOS yanigin ng 7.7-magnitude na lindol ang Myanmar, na nagdulot ng matinding pagkawasak at kumitil ng maraming buhay, mabilis na kumilos ang gobyerno ng Pilipinas upang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
Sa isang critical inter-agency meeting, tiniyak ng mga kinauukulan na maipadadala agad ang humanitarian assistance sa mga nasalantang komunidad.
Ayon kay Office of Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, nakahanda na ang Pilipinas na agad tumulong sa Myanmar, katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno.
“We stand in solidarity with Myanmar during this difficult time. The Philippines is ready to respond to the urgent needs of our neighbors, and we are mobilizing resources to provide assistance as quickly as possible,” wika ni Usec. Ariel Nepomuceno, Administrator, Office of Civil Defense.
Binigyang-diin ni Nepomuceno na ang tulong na ito ay may batayan sa naging karanasan ng Pilipinas sa pagbibigay ng agarang humanitarian aid noong mga lindol sa Turkey at Syria.
“Our thoughts and prayers are with the people of Myanmar. The Office of Civil Defense, along with other government agencies, is committed to assisting Myanmar, drawing from our experience in providing immediate aid during the recent earthquakes in Turkey and Syria,” ani Nepomuceno.
Kaugnay rito, sumulat na ang NDRRMC sa ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management upang ipabatid na handa na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC).
Ang contingent na ito ay binubuo ng 90 tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya, kabilang ang Office of Civil Defense, Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Private Sector, at Department of Health.
Matatandaan na sa lakas ng lindol, umabot ang pagyanig sa China at Thailand, kung saan may naitalang mga nasawi, nawawala, at sugatan.
Follow SMNI News on Rumble