Bagong administrator ng Office of Civil Defense, nanungkulan na

Bagong administrator ng Office of Civil Defense, nanungkulan na

PORMAL nang nanungkulan si Ariel Nepomuceno bilang bagong Administrator ng Office of Civil Defense (OCD).

Ginawa ang turnover ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City, kung saan pinalitan niya si Undersecretary Raymundo Ferrer.

Hindi na bago si Nepomuceno sa OCD na nauna nang naglingkod bilang Executive Officer. Office of Civil Defense

Sa pahayag ng OCD, iginiit nila na taglay ni Nepomuceno ang malawak na kaalaman sa serbisyo publiko na makatutulong sa pagtugon ng kanilang tanggapan sa tuwing may kalamidad.

Pinasalamatan din nila si Undersecretary Ferrer sa mahusay na pagganap sa kanyang tungkulin sa gitna ng mga dumaang kalamidad sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter