SA kulungan ang bagsak ng isang Russian-American vlogger matapos mag-viral ang kanyang ginawang content sa social media na nagpa-prank at parang nangha-harass sa ilan nating kababayan sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sa bisa ng mission order for undesirability ng Bureau of Immigration laban kay Vitaly Zdorovetskiy ay inaresto ito ng mga tauhan ng PNP.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga foreign tourist ay dapat rumespeto sa ating lokal customs at sumusunod sa ating local na batas sa ating bansa.
Kasalukuyan naman itong nakadetine sa immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings laban sa kanya.
Follow SMNI News on Rumble