MAGANDANG balita naman para sa ating mga beterano, magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit o MRT-3 simula ngayong Sabado, Abril 5.
Ang naturang libreng sakay ay bilang pagbibigay-pugay sa mga sundalo noong ikalawang pandaigdigang digmaan at pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-walumpu’t tatlong araw ng kagitingan.
Para naman ma-avail ang libreng sakay, kailangan lamang magpakita ng mga beterano ng valid identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa mga istasyon ng tren.
Bukod sa beterano, libre ring makakasakay ng tren ang isang kasama nito sa pagsakay.
Magtatagal naman ang libreng-sakay hanggang sa Abril 11.