Abiso para sa mga motorista! Magkakaroon ng bigtime rollback para sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa tansya, posibleng nasa 3.30 pesos hanggang 3.75 pesos ang rollback sa kada litro ng gasolina.
Nasa 2.90 pesos hanggang 3.40 pesos naman ang rollback sa diesel habang 3.40 pesos hanggang 3.50 pesos sa kerosene.
Malalaman naman ngayong araw ang pinal na price adjustment ng mga kumpanya ng langis.
Epektibo ang rollback sa Martes, April 15, 2025.
Follow SMNI News on Rumble