IPINATAW ng Philippine Basketball Association (PBA) ang isang indefinite ban para kay Larry Muyang.
Ito’y dahil sa kanyang paglabag sa kontrata matapos maglaro sa ibang liga kahit may umiiral pa itong kontrata sa pagitan ng Phoenix Fuelmasters.
Bukod sa ban, maaari ring maharap si Muyang sa kasong ligal kung pipiliin ng Phoenix na magsampa ng kaso.
Sa kabila nito ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, maaari pang umapela si Muyang sa Board of Governors ng liga para sa pag-alis ng ban.
Sa ulat ng Phoenix, si Muyang ay naglalaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL kahit hawak pa sya ng koponan hanggang sa katapusan ng Mayo.