QCPD nagpakalat ng 2,000 pulis sa Semana Santa

QCPD nagpakalat ng 2,000 pulis sa Semana Santa

NASA humigit-kumulang 2 libong police personnel ang ipinakalat ng Quezon City Police District (QCPD) para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong Semana Santa.

Ayon kay QCPD Deputy for Operations Col. Roman Arugay, pangunahing tututukan ang mga simbahan, major thoroughfares, terminals at commercial areas.

Bukod sa mga ito, magiging katuwang din ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang local forces para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Bukod sa Kwaresma, inaasahan din ang pagdagsa ng mga tao dahil sa mahaba-habang bakasyon.

Sa kabuuan, nasa 40,283 police personnel ang idineploy ng PNP sa buong bansa habang nananatiling nakataas ang alerto nito dahil sa panahon ng halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter