Richard Nuttall itinalaga bilang bagong pangulo ng Philippine Airlines

Richard Nuttall itinalaga bilang bagong pangulo ng Philippine Airlines

INANUNSIYO ng Philippine Airlines (PAL) ang pagkakatalaga kay Richard Nuttall bilang bagong Pangulo, epektibo sa Mayo 29, 2025.

Si Nuttall ay isang eksperto sa aviation at dating CEO ng SriLankan Airlines, kung saan pinangunahan niyang ibalik sa operasyon ang airline.

“Philippine Airlines has always been committed to working with the best people across all levels, and I welcome Richard Nuttall as a worthy addition to an already formidable team. I am confident that he will create and develop sustainable growth for PAL,” pahayag ni Dr. Lucio C. Tan, Chairman and CEO, PAL Holdings Inc.

Ayon kay Lucio Tan III, ang pagtatalaga kay Nuttall ay bahagi ng pangmatagalang estratehiya ng PAL upang mas mapalakas ang operasyon at pamunuan nito sa internasyonal na merkado.

Patuloy ang fleet modernization program ng PAL, kabilang ang darating na Airbus A350-1000 ngayong taon at ang bagong A321neos sa 2026.

Sa kabila ng mga hamon sa pandaigdigang aviation industry, nakapagtala ng P10.01B na kita ang PAL noong 2024, kasunod ng rekord na P21B noong 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble