IIMBESTIGAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang tumatakbong kongresista dahil sa umano’y reklamo na namimigay ito ng gift cards sa publiko.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, aalamin nila kung ito ay isang paraan ng vote buying ng kandidato.
Kasabay nito ay paiimbestigahan din nila ang nasa 100 napaulat na kaso ng vote buying na nakarating sa COMELEC.
Sakaling mapatunayan na ang isang kandidato ay nagsagawa ng vote buying ay maaari itong makulong ng isa hanggang 6 na taon.
Maaari din itong madiskwalipika sa pagboto muli at pagkandidato. Pwede rin na madiskwalipika ito mula sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.