GENERAL MARIANO ALVAREZ, CAVITE – Mainit ang pagtanggap ng mga residente ng bayan ng GMA sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa Senado.
Ayon sa mga mamamayan, nakita nila ang tunay na layunin ng senatorial candidate — ang maglingkod sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng mga konkretong plataporma na tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng bansa.
Sa mga isinagawang konsultasyon at pagpupulong sa iba’t ibang sektor sa GMA, inilahad ng kampo ni Pastor ACQ ang kanyang mga adbokasiya tulad ng:
🔹 Maayos na serbisyong pangkalusugan
🔹 Suporta sa mga magsasaka at manggagawa
🔹 Libreng edukasyon para sa kabataan
🔹 Paglikha ng mas maraming trabaho
🔹 Pagpapalakas ng mga programang pang-kapayapaan at moralidad
Ayon sa isang lokal na lider, “Hindi namin tinitingnan ang relihiyon o pinanggalingan. Tinitingnan namin ang puso at ang gawa — at sa paningin namin, may kapasidad si Pastor Quiboloy na tumulong sa mas nakararami.”