SILANG, CAVITE — Sa isang matapang at makabayang mensahe, ipinaalala ni Vice President Sara Duterte sa mga nagtapos ng Sinaglawin Class of 2025 ng Philippine National Police Academy (PNPA) na “huwag kailanman ipagkanulo ang kapwa Pilipino.”
Sa isinagawang 46th Commencement Exercises ng PNPA, binigyang-diin ng Bise Presidente ang kahalagahan ng paninindigan, katapatan, at katapangan, lalo na sa harap ng mga hamon sa bayan.
“Walang kapatawaran ang pagsuko at pagpapakulong sa mga dayuhan ng isang Pilipinong naglingkod ng tapat sa bayan,” ani VP Sara, sa tila patutsada kaugnay ng pagkakakulong ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands.
Hinikayat din niya ang mga bagong opisyal ng pulisya at iba pang uniformed services na:
Manindigan para sa katotohanan
Mamamatay para sa tama
Protektahan ang bayan laban sa mga tiwali
Lumaban sa mga sakim sa kapangyarihan
At hindi kailanman sumira sa kapwa Pilipino
Ang Sinaglawin Class of 2025 ay binubuo ng mga kadete mula sa PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na ngayon ay opisyal nang bahagi ng uniformed service.
Follow SMNI News on Rumble