DFA: Walang mga Pinoy na nasaktan sa airstrike ng India sa Pakistan

DFA: Walang mga Pinoy na nasaktan sa airstrike ng India sa Pakistan

WALANG Pilipinong napaulat na nasawi sa isinagawang airstrikes ng India sa Pakistan.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kumpirmado ito ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan.

Ipinaalala lang ng Embahada sa Islamabad na iwasan ng mga Pilipino ang paglalakbay sa mga lugar tulad ng Bhimber city, Azad Kashmir, Sialkot Line of Control at alimang lugar sa loob ng limang milya mula sa hangganan ng Pakistan at India.

Ang ‘Operation Sindoor’t kung tawagin ng India ay tumatarget ng istruktura ng mga terorista sa Pakistan at sa rehiyon ng Kashmir na nasa ilalim ng kontrol ng Pakistan.

Ang Kashmir region ay inaangkin ng tatlong bansa at ito ang India, Pakistan at China ngunit tanging India at Pakistan lang ang nag-aagawan nito mula pa noong 1947.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble