NAMAHAGI ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga makinaryang pansakahan at kagamitan sa 15 Agrarian Reform Beneficiary Organizations sa Bukidnon.
Nagkakahalaga ang mga ito ng kabuuang P8.2M.
Sa pahayag ng ahensiya, ang layunin ng programa ay mapalakas ang produktibidad sa agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Kabilang sa mga ipinamigay na kagamitan ay mga stationary rice mill; mga three-wheeled cargo-type vehicle; mobile corn shellers; at isang cassava granulator/chipper at furrower.