Fil-Austrian nanalo sa 2025 Eurovision Song Contest

Fil-Austrian nanalo sa 2025 Eurovision Song Contest

NANALO ang Filipino-Austrian na si JJ sa ginanap na 2025 Eurovision Song Contest nitong Linggo, Mayo 18, 2025.

Ang performance niya sa awit na ‘Wasted Love’ na siya rin mismo ang nagsulat ang naging susi sa panalong ito.

Ang tema ng kanta ay ang pagkakaroon ng hindi masukliang pag-ibig at ayon kay JJ, sumasalamin ito sa kaniyang personal na karanasan ng pagbibigay ng labis na pagmamahal.

Binati naman ng Austrian Chancellor at Philippine Consulate General sa Frankfurt, Germany ang tagumpay na ito ni JJ.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble