Mga dayuhang nahuli sa Cebu sa pagpuslit ng milyun-milyong salapi, ipapa-deport

Mga dayuhang nahuli sa Cebu sa pagpuslit ng milyun-milyong salapi, ipapa-deport

MAGHAHAIN ng deportation case ang Bureau of Immigration (BI) laban sa siyam na banyagang nahuli sa Mactan-Cebu International Airport ilang araw bago ang midterm elections noong May 12, 2025.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, bukod sa posibleng kasong kriminal at paglabag sa Anti-Money Laundering Law, sasailalim din sila sa immigration proceedings dahil sa pagiging undesirable o hindi kanais-nais sa bansa.

Aniya, bawal sa ilalim ng batas na masangkot ang mga banyaga sa mga aktibidad na nagdudulot ng banta sa pambansang seguridad.

Matatandaan na ang mga banyaga ay binubuo ng pitong Chinese nationals, isang Indonesian at isang Kazakh.

Naaresto sila noong Mayo 9 matapos tangkaing magdala ng P441M ng hindi idineklarang mga salapi.

Samantala, may dalawang Pilipino rin ang naaresto kasama ng grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble