Karagdagang limang ‘Black Hawk’ choppers, pormal na tinanggap ng PAF

PORMAL na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang karagdagang limang panibagong Sikorsky 70i Black Hawk choppers sa Clark Air Base, Angeles City, Pampanga.

black hawk choppers

Ito na ang ikatlo at huling batch ng S-70i helicopters na lalong magpapalakas sa lift capability ng Philippine Air Force (PAF).

“Five brand new Sikorsky 70i BlackHawk helicopters were welcomed into our air fleet last 03 December, completing the delivery of 16 units. These five new helicopters will further improve the lift capability of the PAF to support various operations of the Armed Forces of the Philippines,” pahayag ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nagpahayag naman ng matinding kasiyahan si Lorenzana na personal nitong nasumpungan ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para mapamoderno ang AFP.

“I am very elated to have personally overseen these great gains in the government’s efforts to modernize our armed forces,” ayon kay Lorenzana.

Pormal na ibinigay ni Polish Charge d’affaires Jaroslaw Szczepankiewicz ang mga nasabing aircraft kay PAF Chief Lt. Gen. Allen T. Paredes sa Clark Air Base, Angeles City, Pampanga.

Dumating ang limang helikopter sa nasabing air base sa pamamagitan ng Antonov transport aircraft noong Nobyembre 8 ng taong ito.

Unang naihatid ang unang batch ng anim na yunit noong Nobyembre 2020 sinundan ng ikalawang batch ng limang yunit ng Black Hawk choppers noong Hunyo ng taong ito na pormal na tinanggap noong Oktubre 13 sa isang simpleng seremonya.

Ang 16 S-70i helicopters mula sa Polish company PZL Mielec ay nagkahalaga ng USD241-M o PhP11.5-B.

SMNI NEWS