National Health Emergency Preparedness Day, ginugunita ngayong-araw

GINUGUNITA ngayong-araw ang National Health Emergency Preparedness Day (NHEPD).

Tuwing Disyembre 6, ginugunita ang NHEPD batay ito sa Proclamation No. 705 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Nakatuon ang araw na ito sa pagpapalawak ng kamalayan ng publiko sa paghahanda sa health emergency, pagbibigay ng libreng health emergency preparedness skills para sa lahat ng mamamayan, paglahok sa pambansang kampanya para maiwasan ang mga aksidente, at paggalang ng mga mamamayan sa mga batas at ordinansa na nagsusulong ng kaligtasan ng publiko at maiwasan ang trauma, at aksidente na pinangungunahan ng  Department of Health, NDRRMC at iba pa.

Sa Pilipinas, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11332, na kilala rin bilang  Public Health Concern Act, na layong bigyan ng proteksyon ang mga Pilipino mula sa banta sa kalusugan sa pamamagitan ng mandatory reporting at iba pa.

SMNI NEWS