NCAP ipatutupad na muli sa Lunes

NCAP ipatutupad na muli sa Lunes

MULING ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang No-Contact Apprehension Policy (NCAP) simula sa Lunes, Mayo 26, 2025.

Maglalagay rin sila kasabay nito ng karagdagang 1K closed-circuit television (CCTV) sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang lalo pang mapalakas ang pagpapatupad ng NCAP.

Ipatutupad ang NCAP ayon sa MMDA sa mga kalsadang sakop ng kanilang hurisdiksiyon gaya ng EDSA, C5, Commonwealth Avenue, Ortigas Avenue, Roxas Boulevard, at pati na rin sa mga Mabuhay Lane.

Matatandaan na nitong Mayo 20 ay inalis na ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas noong Agosto 2022 laban sa pagpapatupad ng NCAP.

Sa naunang pahayag ni Supreme Court Spokesperson Camille Ting, ang TRO ay inalis lamang pagdating sa MMDA pero nanatili ito pagdating sa mga ordinansa ng mga LGU.

Malinaw na maaari lang itong ipatupad ng MMDA sa mga pangunahing lansangan gaya ng C5 at EDSA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble