HINDI magpapatupad ng nationwide lockdown ang Thailand ayon sa Punong ministro ng bansa.
Iginiit ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na ang gobyerno ay hindi magpapatupad ng nationwide lockdown sa ngayon upang pigilan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 Omicron.
Sinabi ng tagapagsalita ng gobyerno na si Thanakorn Wangboonkongchana na pagkatapos ng pulong ng gabinete noong Martes, pinayuhan ni Prayut ang mga tao na huwag mag-panic matapos maiulat ang unang kaso ng Omicron sa Thailand noong Biyernes, habang hinihiling sa publiko na patuloy na magtiwala sa sistema ng kalusugan ng bansa.
Ang unang kaso ng Omicron sa Thailand ay nakita sa isang 35-taong-gulang na negosyanteng Amerikano noong Biyernes Disyembre 3.
Siya ay naglakbay mula sa Espanya noong Nobyembre 30 pagkatapos manirahan doon sa loob ng isang taon.
Ayon sa Department of Disease Control ang pasyente ay walang sintomas at hindi malapit na nakikipag-ugnayan sa maraming tao.
Sinabi rin ni Prayut na inatasan niya ang lahat ng kaugnay na ahensya na mag-inspeksyon sa mga restaurant, shopping mall at mga katulad na establisyimento sa kanilang mga lugar ng responsibilidad upang matiyak na sumusunod sila sa mga regulasyon sa pagkontrol sa sakit.