UMABOT na sa 1,967 ang naitalang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Caraga Region mula taong 1995 hanggang Pebrero 2025.
Sa nadiskubre ng Department of Health- Region 13, mula sa edad 25–34 taong gulang ang pinakamaraming nagkakasakit ng HIV doon.
Sinundan ito ng edad 15–24 taong gulang.
Mayroon ding mga kaso sa mga edad 35 taong gulang pataas at mga kabataang wala pang 15 taong gulang.
Samantala, nangunguna sa talaan ng may pinakamaraming kaso ang Agusan del Sur, Surigao del Sur at Surigao del Norte.
Sa mga lungsod ay matatagpuan sa Butuan City ang pinakamaraming kaso ng HIV.