Cebu Pacific nakipag-ugnayan sa 2 dayuhang kompanya

Cebu Pacific nakipag-ugnayan sa 2 dayuhang kompanya

NAKIKIPAGTULUNGAN ang low-cost carrier na Cebu Pacific sa dalawang dayuhang kompanya para mas mapaunlad pa ang operasyon ng kanilang airline.

Ang mga ito ay ang German information technology company na Lufthansa Systems at American aerospace company na Pratt & Whitney.

Target ng Cebu Pacific na sa pagpapalawak nila ay mananatili pa rin ang kaligtasan, tibay ng kanilang operasyon, kahusayan, at kapakanan ng crew.

Ang kasunduan ng low-cost carrier sa pagitan ng dalawang dayuhang kompanya ay nilagdaan noong Lunes, Hunyo 16, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble