TIYAKIN na mayroong stable na suplay ng kuryente at internet sa mga paaralan.
Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE).
Mainam na maging prayoridad nito ang mga malalayong lugar na mahirap marating.
Kasabay rito ay sinabi ng Pangulo na dapat makipag-ugnayan ang iba’t ibang ahensiya sa Department of Education (DepEd) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga paaralan.