BUKAS na ang registration para sa mga supplier na nais lumahok sa GEA-4 bidding para sa mahigit 10 gigawatts ng renewable energy capacity.
Ang sinumang mapipili mula sa naturang Green Energy Auction ay mayroong 20 years na kontrata sa pagitan ng Department of Energy (DOE) para sa ground-mounted solar at onshore wind projects.
Ang commercial operations ay mag-uumpisa sa taong 2026 hanggang sa 2029.
Noong GEA-3 na natapos kamakailan ngayong buwan ay nakatanggap ang DOE ng mahigit 7.5 gigawatts ng mga bid para sa 6.0 gigawatts na kanilang kailangan.