PROXY war lamang ng Estados Unidos ang digmaang nangyayari sa Israel at Ukraine.
Pahayag ito ng geopolitical analyst na si Herman Tiu-Laurel sa panayam ng SMNI News.
Ang proxy war ay isang uri ng digmaan kung saan dalawang malalakas o makapangyarihang bansa o grupo ang naglalaban, pero hindi sila direktang nagbabanggaan.
Sa halip, ginagamit nila ang ibang bansa, grupo, o rebelde bilang kinatawan para lumaban sa halip nila.
Kung titingnan, Estados Unidos talaga ayon kay Tiu-Laurel ang tunay na kalaban ng Iran at Russia.
Dinagdag pa ni Ka Mentong, noong 1990s pa ang planong paglusob na ito ng Estados Unidos sa Middle East.
Sa huli, sinabi ni Laurel na ang dahilan ng mga digmaang ito ay nais ng Estados Unidos na maghari sa buong mundo.