P1 dagdag-pasahe sa jeep, posibleng ipatupad

P1 dagdag-pasahe sa jeep, posibleng ipatupad

POSIBLENG ipatupad ang isang pisong dagdag-pasahe sa mga tradisyonal at modernong jeep, matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), posible itong aprubahan sa susunod na linggo bilang tugon sa panawagan ng mga tsuper.

Sa ilalim ng panukala, magiging flat rate ang dagdag-singil. Hindi ito ibabatay sa kilometro, kundi sa isang piso lang kada biyahe.

Sa ngayon, nasa mahigit eighty US dollars na per barrel ang presyo ng Dubai crude, dahilan para isaalang-alang ng LTFRB ang provisional fare hike.

Samantala, para sa iilan sa ating mga commuter, naging dagdag pasanin ito lalo na’t mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Patuloy namang mino-monitor ng Department of Energy ang presyuhan ng langis, habang pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng karagdagang fuel subsidy para sa mga tsuper. Inaasahan na maglalabas ng opisyal na desisyon ang LTFRB sa mga susunod na araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble