Baste Duterte posibleng ‘di na makabisita muli kay FPRRD sa Netherlands

Baste Duterte posibleng ‘di na makabisita muli kay FPRRD sa Netherlands

POSIBLENG hindi na makabibisita muli kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands si Davao City Vice Mayor-elect Baste Duterte.

Aniya, siya ang naiiwang taga-bantay sa Davao City kung kaya’t hindi siya gaanong aalis ng bansa.

Hahayaan na lamang aniya ang kaniyang ibang mga kapatid at kamag-anak na bumisita doon sa kanilang ama na kasalukuyan pa ring naka-detain sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC).

Kung magkakaroon man aniya siya ng pagkakataon muli na mabisita ang ama ay posibleng sa ibang bansa na ito mangyari.

Tinutukoy nito ang bansa na handang tumanggap kay FPRRD sakaling mapagbigyan ang hiling nito na interim release o pansamantalang paglaya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble