TUMAAS ng isang puwesto ang ranggo ng Pilipinas sa World Competitiveness Yearbook ngayong taon.
Sa inilabas ng International Institute for Management Development, nasa ika-51 na ang Pilipinas mula sa 69 na kalahok na ekonomiya.
Kumpara ito sa ika-52 na puwesto ng Pilipinas noong taong 2024.
Gayunpaman, patuloy pa rin itong nahuhuli sa mga karatig-bansa sa Asia-Pacific region.
Sa 14 na kalahok na ekonomiya sa Asia-Pacific region, ika-13 ang Pilipinas.
Ang WCY ay nagraranggo ng mga ekonomiya gamit ang 262 indicators gaya ng economic performance, government efficiency, business efficiency, at imprastraktura.