Arnie Teves naoperahan na sa appendix; BJMP sinita sa mabagal na tugon—abogado

Arnie Teves naoperahan na sa appendix; BJMP sinita sa mabagal na tugon—abogado

TAPOS nang sumailalim sa appendectomy o operasyon sa appendix si dating Cong. Arnie Teves sa Philippine General Hospital, ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.

Bandang 9:43 kaninang umaga, ipinabatid ng abogado sa media ang matagumpay na operasyon ni Teves.

“I am very happy to report that the operation on Rep. Arnie Teves at the Philippines General Hospital (PGH) was successful. He is now recuperating well,” saad ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Arnie Teves.

Matatandaang isinugod si Teves kahapon ng umaga, Hunyo 17, sa pinakamalapit na ospital sa Camp Bagong Diwa dahil sa pananakit ng tiyan.

11:47 kagabi nang ipinaalam ng abogado ang paglilipat kay Teves sa Philippine General Hospital para sa operasyon.

Una nang inirekomenda ng mga doktor na mailipat ito sa pribadong ospital sa St. Luke’s Medical Center, pero ayon sa BJMP, kailangan muna ng court order para rito.

Nanindigan ang BJMP sa kanilang protocol na sa isang government hospital lamang dapat dalhin si Teves.

Binira naman ni Topacio ang mabagal na medical response ng BJMP.

Aniya, tumagal pa ng maraming oras bago nabigyan ng medical attention ang kaniyang kliyente, na isang high-profile prisoner, at napagkaitan din aniya ito na makapili kung saan niya gustong magpagamot.

Nanindigan ang abogado na nananatiling inosente si Teves sa kabila ng kaniyang mga kinahaharap na kaso.

“The incident should serve as a wake-up call to everyone as to the shortcomings of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in reacting to medical emergencies of its inmates. If it took several hours for a high-profile prisoner such as Rep. Teves to be given medical attention, we shudder at how the BJMP will treat ordinary detainees. It also show how a detained person—who, after all, is presumed innocent—is deprived of his right to seek his own choice of treatment and medical professionals to attend to him, by illogical and archaic rules biased against private hospitals,” wika ni Topacio.

“Nakipag-coordinate naman tayo sa party nila that they can request court order para sa St. Lukes. Kasi nga po ang policy ay gov’t hospital,” ayon kay Jsupt. Jayrex Bustinera, Spokesperson, BJMP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble