NALAGLAG na ang Alas Pilipinas Men sa labanan para sa playoffs ng 2025 AVC Men’s Volleyball Nations Cup.
Kasunod ito ng kanilang pagkatalo sa Chinese-Taipei nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2025 sa iskor na 9-25, 25-23, 28-30, 20-25.
Sa kabila nito ay nag-ambag pa rin si Marck Espejo ng 26 points para sa Alas.
Si Leo Ordiales ay may ambag namang 15 points.