2 nuclear sites sa Iran nasira sa pag-atake ng Israel

2 nuclear sites sa Iran nasira sa pag-atake ng Israel

NASIRA ang dalawang building na gumagawa ng centrifuge components para sa nuclear program ng Iran.

Sinabi ito ng nuclear watchdog ng United Nations at ang mga pag-atake ng Israel ang sanhi nito.

Ang centrifuge ay importante para sa uranium enrichment, isang sensitibong proseso na maaaring makagawa ng nuclear head.

Nagsimula ang malawakang pambobomba ng Israel noong Biyernes, Hunyo 13, 2025.

Agad naman itong sinagot ng Iran gamit ang mga missile at drone.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble