UMAAPELA ang United Nations ng 47 billion US dollars na tulong para sa taong 2025.
Gagamitin nila ito sa tinatayang 190 milyong katao sa 32 bansa na nakararanas ng kaguluhan at kagutuman.
Halimbawa sa mga bansa na plano nilang tulungan ang Sudan, Syria, Gaza, at Ukraine.
Samantala, ang hamon nga lang para sa UN ngayon ay ang mistulang pagbaba ng interes ng donors na magbigay ng tulong sa gitna ng dumarami namang mga biktima.