Benny Abante, hindi maipoproklama hangga’t walang final na desisyon mula sa COMELEC 2nd Division

Benny Abante, hindi maipoproklama hangga’t walang final na desisyon mula sa COMELEC 2nd Division

NILINAW ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia na pwede pang i-apela ni Congressman-elect Joey Chua Uy ang desisyon ng COMELEC 2nd Division na ipawalang-bisa ang kaniyang proklamasyon dahil sa misrepresentation.

Si Uy ay inaakusahan na hindi natural born Filipino Citizen at nagsinungaling umamo sa kaniyang COC.

Ang petisyon laban kay Uy ay inihain ng natalong kalaban na si Benny Abante, matapos ang eleksyon.

Kinatigan ito ng dibisyon at dineklara si Abante bilang totoong nanalong kongresista sa ika-6 na distrito ng Maynila.

Ayon kay Garcia, may limang araw si Uy para magsumite ng motion for reconsideration at iakyat ang kaso sa COMELEC En Banc.

Maaari rin itong umabot sa Korte Suprema.

Giit ng COMELEC Chief, hindi maipoproklama si Benny Abante hangga’t wala pang pinal na desisyon, sakaling iapela ni Uy ang desisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble