GINHAWA Bill ni Gatchalian, layong dagdagan ang take-home pay ng manggagawang Pilipino

GINHAWA Bill ni Gatchalian, layong dagdagan ang take-home pay ng manggagawang Pilipino

LAYUNIN ni Sen. Win Gatchalian na guminhawa ang buhay ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng panukalang batas na tatawaging GINHAWA Bill, na nakatutok sa pagbawas ng buwis upang madagdagan ang take-home pay.

Sa ilalim ng GINHAWA Bill, itataas ang income tax exemption ng taunang kita mula sa ₱250K patungong ₱400K. Kasabay nito, itataas din ang tax-free cap ng bonuses mula ₱90K sa ₱150K, upang mapanatili ang mas malaking bahagi ng kita ng mga empleyado.

Isinusulong din sa panukala ang buong exemption sa buwis ng service charges na natatanggap ng mga manggagawa sa service sector, tulad ng mga waiter at hotel staff.

Gusto rin ni Gatchalian na gawing tax-exempt ang:

Overtime pay

Holiday pay

Night shift differential

Hazard pay

Honoraria at allowances ng mga poll workers

Kasama rin sa GINHAWA Bill ang mga sumusunod na reporma:

Karagdagang 50% tax deduction sa labor expenses ng mga micro taxpayers;

Tax credit para sa diskuwentong ibinibigay sa mga senior citizens, PWDs, at solo parents;

Exemption ng mga micro players sa obligasyong mag-withhold ng buwis.

Ayon kay Gatchalian, mahalagang maibalik sa mga manggagawa ang tamang suporta dahil sila ang pundasyon ng ekonomiya ng bansa. Ang panukalang batas ay bahagi ng kanyang Top 10 Priority Bills para sa 20th Congress.

Ang GINHAWA Bill ay kasalukuyang nakabinbin sa Senado at umaasang makakuha ng suporta upang maisabatas sa lalong madaling panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble