Hiwalay na pasilidad para sa mga convict ng heinous crime, muling ipinanawagan ni SP Sotto

Hiwalay na pasilidad para sa mga convict ng heinous crime, muling ipinanawagan ni SP Sotto

MATAPOS ang nangyaring pagtakas ng apat na inmate sa New Bilibid prison kamakailan ay muling ipinanawagan ni Senate President Vicente Sotto III na kailangang magkaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga convict ng heinous crime.

Sinabi ni Sotto na hindi sana nakatakas ang inmates kung nakakulong sila sa isang state of the art prison facility na may mas mahigpit na seguridad.

 “If we create this separate facility that I have envisioned for a long time already, hindi mangyayari ‘yan, hindi sila makakatakas doon,” pahayag ni Sotto.

Sa suhestyon ni Sotto ay mas maganda kung nakahiwalay ito sa isang isla kung saan walang cell site o anumang signal na nakapapasok.

Sa kasalukuyan ay may panukalang batas na para dito na pasado na sa Senado at Kamara.

Pero kailangan na lamang itong maaprubahan sa Bicameral Conference Committee upang maipasa at mapirmahan ng Pangulo bago maging batas.

Nais din ni Sotto na magkaroon ng nasabing prison facility sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang mabigyan ng pagkakataon na mabisita ang inmates ng kanilang mga kamag-anak.

Ipinunto din ni Sotto na kapag magkakaroon na ng NBP sa bawat rehiyon ay maaari na ring ma convert ang ekta-ektaryang lupa  ng NBP sa Muntinlupa City sa isang University Belt.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter