UMAASA si vice president candidate Mayor Sara Duterte na eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nalalapit na eleksiyon si presidential candidate Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr (BBM).
Sa isang panayam sinabi ni Mayor Sara, nais ng lahat sa Uniteam na makuha ang suporta ng pangulo para sa kandidatura ni BBM.
Gayunpaman, rerespituhin pa rin nila kung ano man ang magiging desisyon ni Duterte.
Posible rin aniyang magkita sila ng kanyang ama sa Marso o Abril para sa isang family gathering.
Mababatid na sa huling Talk to the People ng pangulo, nabanggit nitong wala pa siyang kandidatong susuportahan para sa nalalapit na halalan.
Malalimang imbestigasyon sa assassination plan vs BBM sa TikTok, nagpapapatuloy
Samantala, patuloy pang inaalam kung totoo ngang ginamit lang ang TikTok account ng isang Ruel “Bong” Ricafort para sa assassination statement laban kay presidential candidate na si Bongbong Marcos.
Ayon ito kay Department of Justice (DOJ)-Office Of Cybercrime Atty. Charito Zamora sa panayam ng SMNI News.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan ay nakatangap ang DOJ Cybercrime ng screenshot ng komentong naglalahad ng assassination plan para kay Marcos sa isang TikTok video.
Nitong Martes naman ay boluntaryong nag-surrender si Ricafort sa National Bureau of Investigation (NBI), ang may-ari ng TikTok account na ginamit para ilantad ang assassination plot.
Aniya, na-hack ang kanyang account at iligal na ginamit.
Itinanggi na wala aniya syang kinalaman sa assassination plan laban kay Marcos at hindi rin aniya siya “employed” ng kung sinuman.