Pagpapataas ng social pension sa mga nakatatanda sa P1-K, tiyak na maipasa – Senado

Pagpapataas ng social pension sa mga nakatatanda sa P1-K, tiyak na maipasa – Senado

SIGURADONG maipapasa sa Senado ang panukalang itaas sa P1-K ang social pension ng mga indigent na senior citizens.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sen. Sonny Angara, marami umano sa mga kapwa senador ang naghain ng kaparehong panukala kung kaya’t natitiyak na niya ang magiging suporta dito.

Ibinahagi ni Angara na hindi talaga sapat ang kasalukuyang P500 na social pension ng mga nakatatanda ngayon.

Sa kasalukuyan, mas tumataas ang bilihin kaya mas lalo pang kumukunti ang nabibili ng pension para sa pagkain at gamot ng mga ito.

Napag-alaman rin na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang halagang limang daan bawat buwan na social pension kada anim na buwan.

Follow SMNI News on Twitter