LPA sa Surigao City, inaasahang magiging tropical depression sa susunod na 24 oras

LPA sa Surigao City, inaasahang magiging tropical depression sa susunod na 24 oras

PATULOY pa ring binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa Surigao City.

Sa 10:00 am weather advisory, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang LPA sa layong 375 kilometro silangan ng Surigao City.

Ayon sa Weather Bureau, posibleng maging tropical depression ito sa susunod na dalawampu’t apat na oras.

Magdadala ang LPA ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Eastern Visayas, Surigao del Norte, Agusan del Norte, northern portion ng Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

Habang light to moderate naman kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa southern portion ng Quezon, Romblon, Marinduque, natitirang bahagi ng Bicol Region, Visayas, at Mindanao.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA ng mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Follow SMNI NEWS in Twitter