Bilang ng mga nasawi, umabot na sa 76 dahil sa Bagyong Agaton -NDRRMC

Bilang ng mga nasawi, umabot na sa 76 dahil sa Bagyong Agaton -NDRRMC

UMABOT na sa 76 ang bilang ng mga naiuulat na nasawi dahil sa Bagyong Agaton ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, 72 sa mga nasawi ay mula sa Eastern Visayas, 3 sa Davao Region at 1 sa Western Visayas.

Sa kabila nito, kinukumpirma pa ng NDRRMC ang naturang ulat.

29 naman ang naiulat na nawawala, 27 mula sa Eastern Visayas at tig-isa sa Davao Region at Western Visayas.

Samantala, 8 ang naiulat na nasugatan, 4 sa SOCCSKSARGEN, 2 sa Northern Mindanao at tig-isa sa Central Visayas at Davao Region.

Sa bilang ng ito, 6 ang kumpirmado ng NDRRMC, 4 sa SOCCSKSARGEN at 2 sa Northern Mindanao.

Sa ngayon, umabot na sa 920,727 katao o 279,557 pamilya ang apektado ng Bagyong Agaton sa 1,296 na mga Barangay sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Caraga at Bangsamoro.

Aabot din sa 162,467 o 51,920 families ang pansamantalang inilikas na nananatili sa mga evacuation center habang 41,584 displaced individuals o 56,314 families ang nananatili sa labas ng mga evacuation center.

Nasira rin ang aabot sa 354 na kabahayan, kung saan 328 ang bahagyang nasira at 26 ang lubusang nawasak sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga.

Kaugnay nito, 186 na klase at 138 work schedules ang sinuspinde.

Idineklara rin sa ilalim ng State of Calamity ang aabot sa 14 na syudad at munisipalidad.

Umabot na sa P134,991,740.13 ang halagang nasira sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro.

Tantsa ng NDRRMC, aabot sa P1,450,000 ang nasira sa imprastraktura sa Central Visayas at Northern Mindanao.

Naitala rin ang 81 na mga kalsada at pitong tulay na hindi madaanan sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Caraga.

Sa ngayon, pwede nang madaanan ang 189 na kalsada at 5 tulay.

Nasa kabuuang 75 na syudad at munisipalidad ang nakaranas ng power interruption or outage ngunit ngayon nasa 11 areas na ang naayos ang linya ng kuryente.

Samantala, 3 sa mga syudad at munisipyo ang nakaranas ng water supply interruption at hindi pa naibalik sa normal ang operasyon.

Nasa 41 na mga pantalan ang sinuspinde ang operasyon ngunit 2 dito ang nag-operate na.

Aabot sa 8,769 passengers, 2,297 rolling cargoes, 14 vessels at isang motor ang stranded sa Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, and Caraga.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 487 flooding incidents, 71 landslides, 6 flash floods, five drowning, tatlong maritime incidents, 2 overflowing creek, at isang overflowing river dahil sa Bagyong Agaton.

BASAHIN: NGCP, sinimulan na ang restoration work sa mga apektado ng Bagyong Agaton

Follow SMNI News on Twitter