Thailand, planong magpadala ng 50,000 workers sa ibang bansa

Thailand, planong magpadala ng 50,000 workers sa ibang bansa

NILALAYON ng Labor Ministry ng Thailand na makapagpadala ng 50,000 Thai workers sa ibang bansa ngayong taon kasunod ng pag-unlad ng sitwasyon sa pandemya.

Ang target na ito ay inilahad sa nagdaang pagpupulong na pinangunahan ni Labor Minister Suchart Chomklin sa pagitan ng ministry at 127 labor brokerage firms.

Ang pagpupulong ay dinaluhan rin ni DOE Director General Pairoj Chotikasathien.

Ayon sa ahensya, dahil sa pandemya maraming bansa ang nagkaroon ng delay sa plano nitong mag-import ng mga workers.

At ngayong nagkaroon na ng pagluluwag sa mga restriksyon, inaasahang ang labor export ng bansa ay tataas din.

Sa kasalukuyan, ang Thailand ay nakapirma na sa dalawang labor export agreement kabilang ang Saudi Arabia at Japan.

Inaayos naman ng ministry ang farming visa program sa Australia kasabay ng implementasyon ng labor export scheme sa United Arab Emirates.

Follow SMNI NEWS in Twitter