P800-M halaga ng mga pekeng produkto, nasabat ng BOC sa Valenzuela City

P800-M halaga ng mga pekeng produkto, nasabat ng BOC sa Valenzuela City

NASA P800 million halaga ng pekeng items, ukay-ukay at iba pang produkto ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City.

Armado ng letter of authority na inisyu ni BOC Commissionaire Rey Leonardo Guerrero, ininspeksyon ng implementing team ang mga bodega na matatagpuan sa 17 Omega Street, Don Pablo, Rincon, Valenzuela City.

Sa inisyal na imbentaryo, natagpuan sa mga bodega ang iba’t ibang items at produkto na may brand na Mickey Mouse, Tribal, Tag, Nike, Adidas, Jordan, Honda, Dior, Louis Vuitton at iba pa.

Isinasagawa naman ang karagdagang imbestigasyon para sa iba pang posibleng paglabag sa Republic Act 4653, Intellectual Property Code of the Philippines, Consumer Act of the Philippines, at Customs Modernization and Tariff Act.