IPINAINTINDI ni Atty. Arnedo Valera, isang international lawyer at legal counsel ng UniTeam sa East Coast na hindi magkakaproblema ang isang botante kung maayos lamang nitong masunod ang mga instruksiyon mula sa poll body.
Kasunod ito sa madaming reklamo sa ibang bansa kaugnay sa overseas absentee voting.
Sa panayam ng SMNI News kay Atty. Valera, iginiit nito na malinaw ang inilagay na instruction na nakasalin pa sa Tagalog at English.
Sinabi rin nito ang negatibong komento kaugnay sa halalan ay malinaw na paninira sa buong institusyon at boung pamahalaan.
Payo pa ni Atty. Valera na huwag nang kilatisin ang mga bagay-bagay na hindi na dapat pang pinakikialaman lalo na kung hindi naman makaapekto sa integridad ng balota.